13 patay sa pag-ulan, flashfloods sa BARMM

 

Kinumpirma ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Interior Sec. Naguib Sinarimbo ang pagkamatay ng 13 indibiduwal dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Kabilang aniya sa mga nasawi ang 10 katao dahil sa flashfloods sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nagpakalat na rin ng rescue teams na may rubber boats sa Cotabato City, Sultan Kudarat, Upi at sa Datu Odin Sinsuat para sa rescue missions, ayon sa Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi).

Nabatid na nagsagawa na rin ng pre-emptive evacuations sa ilang lugar sa rehiyon.

Nakatutok na rin sa sitwasyon sa Cotabato City at iba pang lugar na lubog sab aha bunga ng pag-ulan dala ng bagyong Paeng.

Read more...