PDAF case laban kay Napoles pinagtibay ng Supreme Court

janet-napolesPinagtibay ng Korte Suprema ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan laban kay Janet Napoles kaugnay sa maanomalyang paggamit ng pork barrel fund ni dating Davao Del Sur Representative Marc Douglas Cagas. Base sa inilabas na resolusyon ng Supreme Court, sinabi nito hindi nagkaroon ng pagmamalabis o grave abuse of discretion ang Ombudsman sa naging desisyon nito na para kasuhan si Napoles. Base sa inihaing petisyon ni Napoles na kinuwestyon nito ang resolusyon ng Ombudsman na may petsang June 22, 2015 at February 10, 2016. Tinukoy ng Ombudsman sa nasabing desisyon na may probable cause para ipagharap ng two counts ng graft at two counts ng malversation of public funds si Napoles dahil sa paggamit ng PDAF ni Cagas mula 2007 hanggang 2009 na nagkakahalaga ng P11M. Kapwa akusado ni Napoles si Cagas ay kapwa akusado sa kaso dahil tumanggap umano ito ng kickback mula sa proyektong pinondohan ng kanyang PDAF at idinaan sa mga NGO ni Napoles.

Read more...