Pagpapatupad ng K-12 program malaking hamon ayon sa CHED

ched-logoAminado ang Commission on Higher Education na malaking hamon ang pagsisimula ng k to 12 program ngayon taon.

Sinabi ni CHED Chairperson Patricia Licuanan na ilan sa malaking isyu sa programa ay ang kakulangan ng mga guro at pasilidad para sa senior high school.

Gayunman, iginiit ni Licuanan na kailangan na itong simulan dahil sa buong mundo tatlong bansa na lamang kabilang ang Pilipinas na wala pang formal senior high school program.

Ayon pa sa opisyal dapat mas bigyan timbang ng mga magulang ang mga benepisyo ng naturang programa kasama na ang pakikipagsapalaran ng mga Filipino sa ibang bansa.

Nauna nang kinontra ng samahan ng mga estudyante ang pagpapatupad ng K-12 dahil sa kakulangan ng mga pasilidad at guro bukod pa sa marami ang mawawalan ng trabaho kapag naipatupad ito.

Read more...