Andanar sa media: “usap tayo”

Martin AndanarNakahanda si incoming Communication Secretary Martin Andanar na makipag-usap sa mga miyembro ng media para kay President-elect Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Andanar sa harap ng mga palabang pahayag ni Duterte laban sa mga mamamahayag.

Ayon kay Andanar, kung siya ang tatanungin, gusto niyang buksan ang pintuan sa media at personal na makipag-usap.

Gayunman, mas makakabuti aniya na pag-usapan muna nila incoming Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo at isa pang miyembro ng communication group na nakatakda pa lamang i-anunsyo ni Duterte ang kanilang magiging media relations strategy.

Matatandaang nagkabangaan si Duterte at ang media dahil sa pahayag nito tungkol sa media killings at corruption pati na sa pambabastos umano nito sa mga babaeng mamamahayag na nagko-cover sa kanyang mga media briefing.

Read more...