Dalawang sundalo sa ‘quake relief’ patay sa Abra ambush

 

Nasawi ang dalawang sundalo, samantalang sugatan ang isa pa sa pananambang sa kanila ng mga hinihinalang rebeldeng komunista sa Malibcong, Abra.

Sinabi ni Lt. Col. Ricardo Garcia, commander ng Army 24th Infantry Battalion, naghahanda ang kanilang tropa para sa gagawing pagtulong sa mga naapektuhan ng magnitude 6.4 na lindol nang mangyari ang pananambang.

Aniya, isa pa sa kanyang mga tauhan ang nawawala matapos ang insidente sa Barangay Gacab.

Ayon pa sa opisyal, tutulong ang mga biktimang sundalo sa Disaster-Relief Operation (DRO).

Nangako naman ito na bibigyan hustisya ang kanyang mga tauhan, kasabay nang pagkondena sa New People’s Army (NPA).

Read more...