Bagyong Paeng lumakas, anim na lugar nasa Signal Number 2

 

Bahagyang lumakas ang Bagyong Paeng.

Ayon sa 5:00 a.m. advisory ng Pagasa,  nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 ang Catanduanes, Albay, Sorsogon, at eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Goa,  San Jose,  Tigaon, Iriga City, Saglay, Buhi), Northern Samar, nortion portion ng Eastern Samar  (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo, Maslog, Dolores, Can-avid, Taft).

Nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 naman ang Masbate kasama na ang Ticao at Burias Island, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, Romblon, Marinduque, Quezon kasama na ang Pollilo Islands, Laguna, Rizal,  Samar, natitirang bahagi ng Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northern portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Borbon) kasama na ang Bantayan at Camotes Islands, Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands, northern portion ng Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag, Bayabas, Tago, Cagwait).

Namataan ang sentro ng bagyo sa 410 kilometro silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Kumikilos ang bagyo sa westward sa 15 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 75 kilometro kada oras at pagbugso na 90 kilometro kada oras.

Inaasahang makararanas ng malakas na pag-ulan ngayong araw hanggang bukas ng umaga ang Bicol region, Northern Samar, Samar, at Eastern Samar.

Makararanas naman ng katamtaman na pag-ulan ang Western Visayas, Marinduque, Romblon, at Quezon.

 

Read more...