Signal No. 1 sa Bicol Region, Samar at Leyte dahil  sa  bagyong Paeng

Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa malaking bahagi ng Bicol Region,Samar at Leyte dahil sa bagyong Paeng base sa 5pm bulletin ng PAGASA.

Signal No. 1

Luzon

Silangang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Saglay, San Jose, Tigaon, Ocampo, Iriga City, Buhi, Nabua, Bato, Balatan, Bula, Baao, Pili, Calabanga, Bombon, Magarao, Naga City, Milaor, Minalabac, San Fernando, Gainza, Camaligan, Canaman), Catanduanes, Albay, Sorsogon, and Masbate kasama na ang Ticao Island at Burias Island.

Visayas

Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, at hilagang bahagi ng Leyte (San Isidro, Calubian, Tabango, Leyte, Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tacloban City, Alangalang, Santa Fe, Palo).

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 510 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 80 kilometro kada oras.

Mabagal, ayon sa PAGASA, ang pagkilos ng bagyo sa direksyon ng Timog-kanluran.

Hindi isinasantabi na lumakas ito sa susunod na tatlong araw at maaring gumilid ito sa Catanduanes bago tatama sa kalupaan ng Aurora o Quezon bagamat maari din sa silangang bahagi ng Bicol Region.

Posible na bukas ng umaga ay magdulot na ito ng malakas na ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, samantalang mahina hanggang sa may kalakasan na pag-ulan  sa MIMAROPA, BARMM, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Quezon, Cagayan, Isabela, Apayao, Aurora at ilang bahagi ng Visayas.

Read more...