Davao region, insurgency free na

Insurgency free na ang Davao region.

Ito ang ideneklara ng Department of National defense base na rin sa Resolution Number 7 ng Davao Region Peace and Development Council.

Dahil insurgency free na ang Davao region, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangan nang ideklara na tourism and investment destination ang Davao region.

Sa Talk to the Troops ni Pangulong Marcos sa Eastern Mindanao Command, sinabi nito na nakamit na ang kapayapaan sa Mindanao region.

Kailangan aniyang maalagaan ito at mabigyan ng sapat na suporta para hindi na muling bumalik sa pakikibaka ang mga residente.

Pinasalamatan ng Pangulo ang mga sundalo at iba pang kagawad ng pamahalaan dahil nalabanan ang pakikibaka.

 

Read more...