Ang suspensyon ay para sa pagsasagawa ng inspections and assessment sa lahat ng mga imprastraktura na maaring naapektuhan ng lindol.
Hiniling din niya sa mga pribadong kompaniya na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga kawani o manggagawa.
Alas-10:59 kagabi nang tumama ang lindol, na ayon sa Phivolcs, ay naitala sa lalim na 28 kilometro sa Tineg, Abra.
Ito ay naramdaman hanggang sa mga lalawigan ng Quezon, Zambales, Bulacan, Rizal, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Ilocos Sur, Cagayan, Baguio City, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Quirino, at Isabela.
Ngayon umaga, nakapagtala na ang Phivolcs ng apat na mahihinang pagyanig sa Nueva Era, Ilocos Norte.