615 na unit ng bus, binigyan ng special permit ng LTFRB para sa Undas

(Courtesy: LTO)

Aabot sa 615 na unit ng bus ang nabigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ito ay para maisakay ang mga dadagsang pasahero sa panahon ng Undas.

Ayon sa LTFRB, nasa 256 na application ang natanggap ng kanilang hanay para sa special permit.

Bibiyahe aniya ang mga bus sa mga lugar na karaniwang dagsa ang mga pasahero.

Samantala, nagsagawa naman ng inspeksyon ang Land Transportation Office sa mga bus sa Metro Manila.

Aabot sa 70 bus ang ininspeksyon kung saan lima ang nabigyan ng warning dahil sa ibat-ibang violations.

Tatlong bus naman ang hindi pinayagan na makabiyahe dahil sa hindi maayos na kondisyon.

 

 

Read more...