RT-PCR requirement sa mga dayuhang hindi bakunado kontra COVID-19, aalisin na

 

Luluwagan na ng pamahalaan ang travel restrictions sa mga dayuhan na bibisita sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na inalis na ang RT-PCR requirements sa mga hindi bakunadong dayuhan.

Ito ay para mapagaan ang pagbiyahe ng mga bumibisita sa bansa.

“In addition to this, it was also discussed that the remainder of stringent protocols such as the requirement of pre-departure testing into the Philippines in the form of RT-PCR would also be removed,” pahayag ni Frasco.

Sa halip na RT-PCR, antigen test na lamang ang gagawing requirement sa mga hindi bakunadong dayuhan.

“As far as unvaccinated foreigners are concerned, they would henceforth be allowed entry into the Philippines with only the requirement of presenting an antigen test 24 hours taken before the departure or an option of taking an antigen test upon arrival into the Philippines,” dagdag ng kalihim.

Papalitan na rin aniya ang One Health pass ng electronic arrival, o E-Arrival card. Maaring i-fill-up aniya ang form bago umalis sa bansang panggaglingan o pagdating na sa PIlipinas.

Bibigyan din aniya ng special lanes ang mga dayuhan sa airport para sa pag-fill-up sa E-arrival card.

Read more...