Kasabay nito, inanunsiyo din na pansamantalang hindi magagampanan ni Fr. Kaore Reward ang kanyang mga responsibilidad bilang alagad ng Simbahan.
“Fr. Karole Reward Israel of a parish in Solana town was ‘excused’ from his priestly duties as the probe is ongoing. The archdiocese will fully cooperate with the prosecution service towards the conduct of an unbiased preliminary investigation and will also extend its assistance to our priest,” ayon sa abiso.
Inaresto ng mga ahente ng NBI ang pari noong Oktubre 18.
Nahaharap siya ngayon sa mga kasong sexual harassment, qualified seduction, paglabag sa Violence against Women and Children, paglabag sa Anti Photo and Video Voyeurism Law, at child abuse.
Ang mga kaso ay base sa reklamo ng isang 16-anyos na babae.
Kasabay nito, humingi din ng panalangin ang Simbahan para sa kanilang mga alagad.