Bilang ng mga bagong COVID 19 cases bumaba – DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 11,995 COVID 19 cases sa nakalipas na isang linggo, Oktubre 17 – 23.

Sa weekly bulletin ng kagawaran, ang naitalang bilang ay mababa ng 22 porsiyento kumpara sa naitala nang sinundan na linggo.

Lumabas na ang average ng bagong kaso ay 1,714 kada araw.

May naberipika naman na 272 namatay, kasama na ang 26 sa pagitan ng Oktubre 10 hanggang 23.

Kabilang sa bagong naitala ay apat na kritikal na kondisyon at may 650 kritikal ang kalagayan ang nananitili sa mga ospital.

Read more...