Bangkay ng middleman sa Lapid slay case, walang external physical injuries

Walang senyales ng external physical injuries ang mga labi ni Jun Globa Villamor, ang bilanggo sa New Bilibid Prison na sinasabing middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon sa National Bureau of Investigation, base ito sa autopsy report na ginawa sa bangkay ni Villamor.

Ayon pa sa report ng NBI, nakitaan na ang puso ni Villamor na mayroong hemorrhagic area sa kaliwang ventricle.

Indikasyon ito na mayroon nang dating sakit o valvular infection si Villamor.

Isinugod si Villamor sa New Bilibid Prison Hospital noong Oktubre 18 matapos mahirapang huminga.

Sinubukan pa ng mga doktor na i-revive si Villamor subalit binawian ng buhay.

Namatay si Villamor ilang oras matapos lumutang ang self confessed gunman na si Joel Escorial at sinabing mayroong taga Bilibid ang nag-utos sa kanya na patayin si Lapid.

 

Read more...