Pangulong Marcos niregaluhan ng portrait

(Palace photo)

Niregaluhan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang portrait ng renowned artist na si Alvin Hipolito.

Tinanggap ng Pangulo ang naturang portrait kahapon sa Palasyo ng Malakanyang.

Malaki naman ang pasasalamat ng Pangulo sa ginawang portrait ni Hipolito.

Si Hipolito ay anak ni visual artist na si Dante Hipolito na naging kilala dahil sa kanyang painting na “Salubong” kung saan ipinapakita si Pope Francis kasama ang mga Filipino celebrities sa isang rural settings.

Kasama sa painting ang mga artistang sina Vilma Santos, Gary Valencia, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Coco Martin at Kris Aquino.

 

Read more...