Unti-unti nang lumalayo sa Batanes ang Bagyong Obet.
Ayon sa Pagasa, nanatiling nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang Batanes at Babuyan Islands.
Namataan ang bagyo sa 135 kilometro kanluran timog-kanluran ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa timog-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.
Hindi naman magdadala ng malakas na pag-ulan sa bansa ang Bagyong Obet.
MOST READ
LATEST STORIES