Bagyong Obet lumakas pa, tatlong lugar isinailalim sa Signal 1

 

Lalo pang lumakas ang Bagyong Obet habang patungo ng Batanes.

Base sa 5:00 p.m. advisory ng Pagasa, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes, Babuyan Islands, hilagang-silangan bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).

Namataan ang sentro ng bagyo sa 75 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas na hangin na 55 kilometro kada oras at at pagbugso na 70 kilometro kada oras.

Inaasahang nasa 340 kilometro kanluran ng Basco, Batanes o labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

 

 

Read more...