Muling hinalughog ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Male Dormitory ng Manila City Jail.
Sinabi ni JO1 Elmar Jacobe, tagapagsalita ng MCJ, buwanan ang pagsasagawa nila ng Oplan Greyhound para matiyak na rin ang kaligtasan ng mga detenido.
Aniya sa nakalipas na mga buwan, walang nangyaring kaguluhan sa hanay ng mga detenido na may mga gumamit ng delikadong bagay.
Ito rin aniya ay bahagi ng paghahanda para sa paggunita ngayon taon ng National Corrections Consciousness Week na tatampukan ng mga programa para sa mga detenido.
Matapos ang paghalughog sa mga selda, nakuha pa rin ang ilang kontrabando, tulad ng pang-ahit, blade, kahoy, cable wires, maging mga plastic cups.
MOST READ
LATEST STORIES