Bibitawan lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagiging kalihiim ng Department of Agriculture kung may nagawa nang mga pagbabago o structural changes sa kagawaran.
Ayon sa Pangulo, mahirap kasi ang problema na bumabalot sa DA at kailangan aniya ng isang presidente para maiayos ang sistema sa kagawaran.
“Problems are so difficult that it will take a president to change and turn it around, very deeply embedded ang mga problema natin sa agrikultura,” pahayag ng Pangulo.
“Ito ay nangyari sa nakaraan, napakaraming taon, kayat hindi ganun ka bilis, hindi ganun kadali na ibalik sa ating magandang sistema dati. Kaya’t I think I’m still needed there,” dagdag pa nito.
Oras aniya na naayos na ang problema sa DA, hindi mag astubili ang Pangulo na magtalaga na ng permanenteng kalihim.