Aayusin muna ni Pangulong Marcos Jr. ang pagtugon sa pandemya sa COVID-19 bago magtalaga ng kalihim ng Department of Health (DOH).
Ayon sa Pangulo, kailangan munang makawala ang bansa sa state of calamity dulot ng COVID- 19.
Paliwanag pa nito hindi pa niya matanggal ang state of calamity sa ngayon dahil nariyan pa ang pandemya, kailangan pang maipagpatuloy ang pagbabakuna na nasa ilalim ng emergency use authorization.
Aniya kapag tinangggal niya ang state of calamity maraming mawawala sa bansa at isa na ang posibleng hindi na makukuha ng healthworkers ang mga benepisyo na nasa ilalim ng batas.
Hindi na rin aniya madaling makapag iimport ang bansa ng bakuna dahil magiging mabagal na ang sistema ng procurement.
Maging ang indemnification fund aniya na nilagay sa ilalim ng batas para pambayad kapag nagkaroon ng problema sa pagtuturok ng bakuna ay mawawala.