Temporary truck ban sa Roxas Boulevard ipapatupad ng MMDA

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Pansamantalang magpapatupad ng truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard habang nagsasagawa ang konstruksyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH), partikular na sa harapan ng US Embassy.

Nakasaad sa MMDA Resolution No. 22-16, ang mga trucks at trailers na may gross capacity weight na higit 4,500 kilo ay pansamantalang pagbabawalan na bumiyahe sa Roxas Boulevard para maiwasan ang ganap na pagkasira ng kalsada.

Gagamitin ng mga truck ang orihinal na ruta mula sa SLEX patungo sa Osmena Highway, Quirino Highway at mula Port Area patungo sa SLEX.

Ang mga patungo sa Port Area mula SLEX ay dadaan sa Plaza Dilao, UN Avenue, kanan sa Romualdez, kakaliwa sa Ayala / P. Burgos Avenue at kakanan sa Bonifacio Drive.

Ang mga magmumula naman sa Port Area patungo sa SLEX ay dadaan sa Bonifacio Drive, kaliwa sa P. Burgos / Ayala Avenue, kanan sa San Marcelino St., kaliwa sa Quirino Avenue patungo sa Osmena Highway patungong SLEX.

Inanunsiyo din ni MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga III na hindi muna papayagan ang paghuhukay sa mga kalsada, maliban sa flagship projects ng gobyerno, mula Nobyembre 14 hanggang Enero 2, 2023 para mabawasan ang labis na trapiko sa Kapaskuhan.

Read more...