Public veneration sa blood relic ni St. John Paul II

Bubuksan sa publiko ang veneration ng blood relic ni St. John Paul II sa Manila Cathedral.

Ang public veneration ay magsisimula bukas, Oktubre 21 hanggang Oktubre 23, araw ng Linggo, mula alas-7 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi.

Magkakaroon ng Banal na Misa sa Manila Cathedral, alas-7:30 ng umaga bukas at alas-12:10 ng tanghali.

Sa pista ni St. John Paul II sa Oktubre 22 ay may misa din ng alas-7:30 ng umaga.

Magugunita na naging santo ang dating Santo Papa noong Abril 27, 2014, halos tatlong taon matapos ang kanyang kamatayan sa edad na 84.

 

 

 

 

Read more...