Nananatili ang utos na 100 percent face-to-face classes ng Department of Education (DepEd) sa susunod na buwan sa kabila nang pagsulpot ng bagong subavariants ng COVID 19.
Ito ang sinabi ni DepEd spokesman Michael Poa.
“Sa ngayon po, wala pa po tayong any advice on any change. Wala pa po tayong pagbabago sa anunsiyo,” aniya.
Aniya nakadepende sila sa abiso mula sa Department of Health (DOH) kaugnay sa guidelines.
Una nang inanunsiyo ng kagawaran na ang mga private schools ay maaring magpatuloy sa kanilang blended learning system.
Ang DOH sinabi na may mga kaso na ng subvariants ng Omicron na XBC at XBB.
MOST READ
LATEST STORIES