DILG chief Abalos tiniyak na hindi ‘fall guy’ si Joel Escorial

Pinawi ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr., na hindi ‘fall guy’ si Joel Escorial, ang sumuko at umamin na pumatay kay broadcaster Percy Lapid.

Katuwiran ni Abalos, nagtugma ang isinukong caliber .45 pistol na isinuko ni Escorial sa mga bala na ginamit sa pagpatay kay Lapid, na Percival Mabasa sa tunay na buhay, noong Oktubre 3.

“Hindi lang ito tungkol sa pagko-confess, mahirap din yun e ano, sinisigurado natin ito, yung tinatawagna ballistics. Ibig sabihin po nito, yung mga nakitang slugs o yung mga bala din sa kapaligiran,” diin ni Abalos.

Dagdag pa ng kalihim hindi din kikilalanin ni Escorial ang kanyang mga kasabwat at aaminin ang pagpatay kay Mabasa kung siya ay ‘fall guy’ lamang.

Binanggit din aniya ni Escorial na isang taga-loob ng National Bilibid Prison ang kumontrata sa kanila para iligpit si Mabasa.

Paglilinaw lang din ni Abalos na hindi pa masasabi na ang nag-utos sa grupo ni Escorial ang utak sa krimen.

Read more...