Kapalit si Ferrer-Flores ng nagretirong si Associate Justice Juanito Castañeda, ayon kay Press Usec. Cheloy Garafil.
Bago ang kaniyang appointment, si Ferrer-Flores ay nagsilbi bilang Deputy Clerk of Court ng Supreme Court at naging hepe ng Fiscal Management and Budget Office.
Samantala, itinalaga rin ng sina Selma Alaras at Wilhelmina Jorge-Wagan bilang mga bagong mahistrado ng Court of Appeals.
Nilagdaan sa Malakanyang ang kanilang appointment noong Oktubre 11.
Sina Alaras at Jorge-Wagan ang papalit kina dating CA associate Justices Gabriel Ingles at Edgardo Camello na kapwa nagretiro ngayon taon.
Bago napabilang sa CA, si Alaras ang presiding judge ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 62, habang si Jorge-Wagan ang presiding judge ng Pasig City RTC Branch 111.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, mayroong 90 araw ang Punong Ehekutibo para magtalaga ng mga appointee sa hudikatura batay sa listahan o shortlist mula sa Judicial and Bar Council o JBC.