Signal No. 1 itinaas sa apat na lugar dahil sa bagyong Obet

Habang papalapit ang bagyong Obet, itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 1 sa ilang lugar sa Hilagang Luzon.

Sakop ng Signal No. 1 ang Batanes, Babuyan Islands at Santa Ana at Gonzaga, kapwa sa Cagayan.

Sa 5am update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 805 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na 55 kilometro kada oras.

Bahagya itong bumilis at kumikilos ng 15 kilometro kada oras.

Bukas ng umaga hanggang Sabado ng umaga maari itong magbagsak ng malakas na ulan sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao at hilagang bahagi ng Cagayan.

Magiging maulan dinsa Batanes, hilagang bahagi ng Ilocos Sur, Abra, Kalinga at natitirang bahagi ng Cagayan.

Inaasahan na bahagyang lalakas ang bagyong Obet at itaas sa tropical storm category.

Read more...