Niyanig ng 5.5 magnitude earthquake ang Davao del Sur alas-4:05 kaninang hapon.
Base sa impormasyon mula sa Phivolcs, tumama ang lindol may anim na kilometro timog-kanluran ng Matanao, Davao del Sur.
Naramdaman ang lindol sa Intensity IV sa Davao City at General Santos City, samantalang base sa mga nairehistro ng mga instrument Intensity V ang naramdaman sa Kidapawan City, Koronadal City at Norala sa South Cotabato.
Naramdaman din ang lindol na Intensity IV sa Jose Abad Santos, Davao Occidental; Alabel, Sarangani; Tampakan, Tantangan, Tupi, General Santos City, South Cotabato; at Columbio, Sultan Kudarat.
At Intensity III naman sa Libona, Bukidnon; Don Marcelino, Davao Occidental; Maasim, Kiamba, and Malapatan, Sarangani; at Santo Nino, Polomolok, Suralla, at T’Boli sa South Cotabato.
Naitala naman itong Intensity II sa Alamada, Cotabato; Nabunturan, Davao de Oro; Maitum, Sarangani; at Lake Sebu, South Cotabato; at Intensity I sa Malaybalay City at Cagayan de Oro City.
Nagbabala na rin ang Phivolcs sa posibleng aftershocks.