Sen. Jinggoy Estrada: Wala akong masamang tinapay sa Koreanovela, pelikula

Nilinaw ni Senator Jinggoy Estrada na wala siyang masamang motibo sa naging pahayag niya kahapon ukol sa mga pelikula o tele-novela na gawa  mula sa ibang mga bansa.

Ayon sa kanya, ang kanyang mga nasabi ay bunga lamang ng matinding pagkadismaya dahil masigasig ang mga Filipino na ipagdiwang ang entertainment industry ng South Korea.

Himutok niya bumabagsak ang lokal na industriya sa bansa dahil sa kakulangan ng suporta mula sa mga Filipino.

“I wish that the zealousness of our kababayans in patronizing foreign artists can be replicated to support our homegrown talents who I strongly believe are likewise world-class. I have nothing against South Korea’s successes in the entertainment field and admittedly, we have much to learn from them. Pero huwag naman nating kalimutan at balewalain ang trabaho, ang mga pinaghirapan at angking likha ng ating mga kapwa Pilipino,” diin ni Estrada.

Aniya sa pagmamahal sa bayan ang ugat ng tagumpay ng South Korea at panahon na aniya na sumunod sa kanila ang mga Filipino.

Read more...