Ex-BuCor chief Ragos may ‘go signal’ na ‘kumanta’ sa de Lima drug-case

PDI PHOTO

Pinayagan na ng korte si dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos na tumestigo sa pagdinig sa drug case ni dating Senator Leila de Lima.

Ibinasura ng Muntinlupa RTC Branch 204 ang inihaing motion for reconsideration ng prosecution panel, na kontra sa pagtestigo muli ni Ragos.

Si Ragos ay testigo ng panig ng prosekusyon.

Magugunita na noong nakaraang Mayo, binawi ni Ragos ang kanyang mga naunang testimoniya na nagdiin kay de Lima sa pagtanggap nito ng pera mula sa drug trader sa loob ng pambansang piitan.

Nakatakda nang tumestigo muli si Ragos noong nakaraang buwan ngunit naunsyami ito dahil sa mosyon ng prosekusyon.

Ibinasura na ng korte ang isang drug case ni de Lima at may dalawa pa itong kinahaharap sa naturang korte.

Read more...