Pangulong Marcos Jr., sa Coast Guard anniversary

CHONA YU PHOTO

Pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr., ang pagdiriwang ng ika-121 taong anibersaryo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Port Area, Maynila.

Nakasama ni Pangulong Marcos si Transportation Sec. Jaime Bautista.

Bahagi ng seremonya ang pagbibigay parangal ng Punong Ehekutibo at PCG Commandant Artemio Abu ang mga natatanging miyembro ng PCG.

Inikot ni Pangulong Marcos Jr., ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301).

Pagmamalaki ni Abu, hindi matatawaran ang ginagawa ng PCG sa pagbabantay ng karagatan na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Bukod pa dito ang kanilang nagagawa sa tuwing may kalamidad mula sa evacuation hanggang sa search, rescue and retrieval operations.

Read more...