81 na kaso ng XBB Omicron subvariant naitala sa bansa

Aabot sa 81 na kaso ng bagong uri ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeiere, ito ay ang highly immune-evasive XBB Omicron subvariant.

Ayon kay Vergeire, naitala ang mga bagong uri ng COVID-19 sa Western Visayas at Davao region.

Sa naturang bilang, 70 ang gumaling na, walo ang sumasailalim sa isolation habang angtatlo at sumasailalim pa sa beripikasyon.

Wala naman aniya sa 81 ang nasawi.

Sinabi pa ni Vergeire na ang XBB Omicron subvariant ang dahilan kung kaya tumataas muli ang kaso ng COVID-19 sa Singapore.

Samantala, nasa 193 na kaso naman ng XBC variant ang naitala sa bansa.

Ito ay nasa Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Davao Region, Soccsksargen, Cordillera Administrative Region (CAR), Caraga, Bangsamoro Region, at National Capital Region (NCR).

Sa naturang bilang, lima na ang nasawi.

Read more...