Legit POGOs minenos ang gobyerno sa binayaran na buwis

Senate PRIB photo

Lehitimo ngunit nanggantso.

Ito ang sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian matapos maibahagi ang nadiskubre niyang ‘underdeclaration’ ng mga lehitimong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ng kanilang binayarang buwis.

Ibinase ito ni Gatchalian sa pagkakaiba sa gross gaming revenues na isinumite ng POGOs sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

Diin ng senador mas malaki sana ang koleksyon sa buwis at iba pang bayarin sa gobyerno kung naging tapat lamang ang POGOs sa BIR at Pagcor.

“Nakakapanghinayang na kahit ang mga lehitimong POGO ay naging pabaya sa pagbabayad ng tamang buwis. Naglagay na nga tayo ng isang tax regime para sa mga POGO upang mabawasan ang mga hindi nakolektang buwis na dapat bayaran sa gobyerno. Nakakalungkot na kahit ang mga lisensyadong POGO ay patuloy na binabalewala ang tamang pagbabayad ng buwis,” ani senador.

Sa pag-aaral ni Gatchalian, nalugi ang gobyerno ng P1.9 bilyon.

Aniya ang nawalang kita ay maaring nagamit sana sa mga programa ng gobyerno, partikular na sa pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan.

Read more...