(Courtesy: Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos)
Nanumpa na sa harap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia.
Ginawa ang panunumpa ni Garcia sa Palasyo ng Malakanyang ngayong hapon.
Kasama sa mga nanumpa ay sina Comelec Commissioners Ernesto Ferdinand Maceda at Nelson Celis.
Matatandaang nakalusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments si Garcia.
Bago naitalagang Comelec chairman, nagsilbi si Garcia bilang abogado ni Pangulong Marcos sa electoral protest na inihain laban kay dating Vice President Leni Robredo noong 2016.
READ NEXT
Clearing operations at electric line restorations sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Neneng, minamadali
MOST READ
LATEST STORIES