Puspusan ang ginagawang clearing operations at electric line restoration efforts ng ibat ibang tanggapan ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Neneng.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ngayon, naibalik na ang suplay ng kuryente sa 13 munisipyo sa Ilocos region at limang probinsya sa Cagayan Valley.
Tuloy din aniya ang road clearing sa 34 kalsada na hindi madaanan.
Nasa 32 evacuation centers na aniya ang nahatiran ng food packs.
Base sa ulat ng Department of Energy (DOE), Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 27,914 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa Cagayan Valley, Ilocos Region, at Cordillera Administrative Region.
Nasa 1,192 pamilya ang pre-emptively evacuated, habang nasa 285 pamilya ang mga nasa evacuation centers.