(Courtesy: Bongbong Marcos)
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang director na si Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications.
Ito ang kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, manunumpa na si Soriano mamayang hapon sa harap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang.
Nasa ilalim ng Office of the President ang Presidential Adviser on Creative Communications.
MOST READ
LATEST STORIES