Pagpapaliban sa barangay elections, kinuwestiyon sa Korte Suprema

INQUIRER Photo

 

Dumulog sa Korte Suprema ang beteranong election lawyer na si Romulo Macalintal para kwestyunin ang legalidad ng bagong batas na magpapaliban sa Barangay elections.

Sa halip na Disyembre 5, 2022, gagawin na lamang ang eleksyon sa Oktubre ng susunod na taon.

Ayon kay Macalintal, walang kapangyarihan ang Kongreso na ipagpaliban ang eleksyon at palawigin pa ang termino ng mga barangay officials.

Hindi kasama sa petisyon ni Macalintal ang Sangguniang Kabataan na kasama sa batas na ipagpaliban ang eleksyon sa susunod na taon.

Paliwanag ni Macalintal, wala naman sa Konstitusyon ang SK elections at sa halip ay ginawa lamang ng Kongreso.

Maliwanag aniya na ang Comelec lamang ang may kapangyarihan na mag-postpone ng eleksyon base na rin sa nakasaad sa Section 5 ng Omnibus Election Code.

 

 

Read more...