Anim na lugar nasa ilalim ng Signal Number 1 dahil sa Bagyong Neneng

 

Anim na lugar sa Luzon ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 dahil Bagyong Neneng.

Ayon sa Pagasa, ito ay ang Batanes; Cagayan kasama na ang Babuyan Islands; hilagang bahagi ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon); Apayao; hilagang bahagi ng Abra (Tineg); at Ilocos Norte.

Namataan ang sentro ng bagyo sa 510 silangan ng Calayan, Cagayan

Kumikilos ang bagyo sa west northwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.

Pinapayuhan ng Pagasa ang mga residente na mag-ingat sa posibleng landslide at flashflood.

 

 

Read more...