Generoso, Davao Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng 4.6 magnitude na lindol ang Governor Generoso, Davao Oriental kaninang 1:53 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin na may lalim na 65 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Malungon, Sarangani; Don Marcelino, Davao Occidental; Tupi, South Cotabato.

Naitala naman ang Instrumental Intensity 1 sa Davao City; Kiamba at Alabel sa Sarangani; General Santos City at Tampakan sa Couth Cotabato.

Wala namang inaasahang aftershocks o tsunami.

Wala ring naiulat na nasirang ari-arian matapos ang lindol.

 

Read more...