Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Signal Number 1 sa limang lugar sa Luzon dahil sa pananalasa ng Bagyong Neneng.
Ayon sa Pagasa, ito aayang Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, hilaga at silangang bahagu ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol, Calanasan), extreme northern portion ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon) at hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin, Vintar, Dumalneg, Adams).
Namataan ang sentro ng bagyo sa 575 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.
Kumikilos ang bagyo sa west southwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.
Samantala, patuloy naman na minomonitor ng Pagasa ang Tropical Sotrm Sonca na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.