Pilipinas napiling co-facilitator sa climate change convention

(Courtesy: Climate Change Commission)

 

Napili ang Pilipinas bilang co-facilitator sa Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) sa Congo.

Paghahanda ito para sa 27th Session of Conference of the Parties (COP27) na gaganapin sa Sharm El-Sheikh, Egypt sa Nobyembre 6 hanggang 18.

Ayon kay Climate Change Commission (CCC) Vice Chair at Executive Director Robert Borje, napili rin ang Pilipinas na manguna sa diskusyon kaugnay sa global agenda na climate finance.

Sumentro ang diskusyon sa mga ideya at estratihiya para maisulong ang climate finance.

Kabilang na ang pagsasakatuparan sa $100 billion financial commitment ng mga mayayamang bansa base sa Paris Agreement.

Labing pitong bansa ang dumalo sa naturang pagpupulong. Kabilang na rito ang Angola, Argentina, Chad, Denmark, Germany, Ghana, Japan, Maldives, New Zealand, Norway, Papua New Guinea, Poland, Portugal, Saudi Arabia, Singapore, United States of America, Zambia pati na ang European Union Commission.

 

 

Read more...