Nagpaliwanag si Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. kung bakit officer-in-charge pa lamang ang posisyon ni Press Undersecretary Cheloy Garafil.
Itinalaga ng Pangulo si Garafil bilang OIC ng Office of the Press Secretary matapos magbitiw sa puwesto si dating Secretary Trixie Angeles nang ma-bypass ng Commission on Appointments.
Ayon sa Pangulo, nasa transition period pa ngayon ang kanyang administrasyon.
Inaayos pa aniya ang rightsizing sa pamahalaan.
“Because we are still in transition. We talked about rightsizing all the time. We’re rightsizing everything, everywhere all the time and this is part of that. So that’s the reason that we… As I said, we still feel – I still feel – we are still in transition. But nagso-solidify na ‘yan, ‘yang mga position na ‘yan,” pahayag ng Pangulo.
Una nang itinalaga ni Pangulong Marcos si Garafil bilang chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Biard pero inilipat sa OPS.