Financial literacy nais ni Sen. Win Gatchalian maituro mula elementary – college

Naghain ng panukala si Senator Sherwin Gatchalian na ang layon ay magkaroon ng kaalamang pinansiyal ang mga nag-aaral sa elementary hanggang kolehiyo, maging sa mga kumukuha ng technical – vocational courses.

Sa ilalim ng Economics and Financial Literacy Curriculum and Training Act (Senate Bill No. 479), kinakailangan na magroon ng kurso na naksentro sa Economics and Personal Finance.

“Sa mahabang panahon ng pag-aaral ng ating mga kabataan, tinuturuan natin sila ng kaalaman at kakayahan upang makakuha ng maayos na trabaho, ngunit hindi natin itinuturo kung paano ang tamang paggamit ng salapi. Kung matuturuan natin sila ng financial literacy, matuturuan natin silang makamit ang pag-asenso at mamuhay nang mas matiwasay,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Basic Education.

Pagpupunto nito, 89 porsiyento ng mga bata at kabataang Filipino ay umaasa sa kaalamang-pinansiyal ng kanilang mga magulang.

Ngunit sa Global Financial Literacy Survey ng Standard and Poor’s, 25 porsiyento lamang sa mga Filipino ang ‘finacially literate,’ nangangahulugan na 75% Filipino adults, kasama ang mga magulang at guro, ay walang sapat na kaalaman sa usaping-pinansiyal.

Hirit pa ni Gatchalian, bagamat may mga ahensiya na nag-aalok ng financial literacy programs, duda ito na lalaganap ang mga ito kung hindi mapapagtibay.

Read more...