Ilang senador may pahayag sa ‘resign calls’ kay Justice Sec. Crispin Remulla

Photo credit: Sen. JV Ejercito/Facebook

Nagbigay ng pahayag ang ilang senador kaugnay sa mga panawagan kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magbitiw sa puwesto kasunod nang pagkakahuli ng kanyang anak sa isang anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na hindi siya makakapagbigay ng komento dahil hindi niya alam ang detalye ng isyu.

Ngunit aniya nabasa na niya ang pahayag ni Remulla at aniya sinsero naman ito sa kanyang mga sinabi.

Ayon naman kay Sen. JV Ejercito mahigit tatlong dekada na niyang kilala si Remulla at nakakatiyak ito na hindi kukunsintihin ang anak sa kaso nito.

“Iba ang prinsipyo ni Sec. Boying. Kilala ko ang taong ito. I know his character and his dedication to public service,” diin ni Ejercito.

Si Sen. Imee Marcos sinabi na naisapubliko naman na ang pahayag ni Remulla at sapat na aniya ito.

Si Senate President Juan Miguel Zubiri ay tumanggi naman na magbigay ng komento sa isyu.

Read more...