Paghahanda sa barangay, SK elections tuloy – Comelec

CHONA YU / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Sa kabila nang muling pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections, tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec).

Katuwiran ni Comelec Chairman George Garcia maari kasing kuwestiyonin sa Korte Suprema ang RA 11935 o ang pagpapaliban ng synchronized barangay at SK elections sa susunod na taon.

Dagdag pa nito, iniiwasan nila na magkumahog kapag hindi sumang-ayon ang Korte Suprema sa sinang-ayunan ni Pangulong Marcos Jr., na pagpapaliban sa eleksyon.

Muli din magsisimula ang voter’s registration sa susunod na buwan at magtatagal ito hanggang sa Mayo sa susunod na taon.

Sa kanyang pagtataya, maaring tatlo hanggang limang milyon pa na rehistaradong botante ang madagdag.

May 67 milyon ng registered regular voters sa bansa at 25 milyon naman ang maaring bumoto sa SK eleksyon.

Nabanggit din ni Garcia na magkakaroon ng voter’s registration sa mga shopping malls.

Read more...