Inaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga tauhan ng NAIA – Inter Agency Drug Intendiction Task Group ang anak ni Justice Secretary Crispin Remulla sa isang controlled delivery operation.
Si Jose Diaz Remulla III, 38, ng BF Homes, Paranaque City, ang kumuha ng parcel na naglalaman ng 937 gramo ng high grade marijuana o ‘kush’ na nagkakahalaga ng higit P1.3 milyon.
Galing sa San Diego, California ang naturang droga.
Ito ay mula sa isang Benjamin Huffman at ang parcel ay nasa pangalan ni Remulla.
Samantala, naglabas na ng pahayag si Cavite Gov. Jonvic Remulla at sinabi nito na pamangkin niya ang suspek.
Aniya nasa Geneva, Switzerland ang kanyang kuya at alam na nito ang pagkakahuli sa panganay na anak.
Pagtitiyak niya na hindi nila gagamitin ang kanilang posisyon para impluwensiyahan ang kaso bagamat aniya labis na ikinalulungkot ng kanilang pamilya ang pangayayari.