Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may nakalaan na P1.2 bilyon na maaring ipangtulong sa mga naapektuhan ng bagyong Maymay.
Paliwanag ni Usec. Edu Punay, P195 million ang nakahandang standby fund, bukod pa sa higit kalahating milyong food packs na nagkakahalaga ng P342 million at P678 milyong halaga ng food and non-food items.
Aniya ang mga ito ay naka-pre position na para sa mabilis na distribusyon.
Nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga lokal na pamahalaan ng mga apektadong lugar.
Sa Region II, 927 pamilya na may katumbas na 3,500 indibiduwal mula sa 23 barangays ang apektado.
MOST READ
LATEST STORIES