Palasyo masaya sa high trust ratings ng ilang ahensiya

Ikinalugod ng Malakanyang ang mataas na trust ratings sa ilang ahensiya ng gobyerno.

Sa 3Q Survey ng PUBLiCUS, pinangunahan ng AFP (57%), TESDA (56%) at Department of Education (DepEd) (55%) ang nasa Top 10 na nakakuha ng mataas na trust ratings.

Sinabi ni Press Usec. Cheloy Garafil ang mga nakakuha ng mataas na trust ratings ay mga ahensya na may direktang pakikipag-ugnayan sa mamamayan.

Pasok din sa Top 10 ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Higher Education (CHEd), Department of Science and Technology (DOST), Department of Health (DOH), Department of Tourism (DOT) at  Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Garafil, hindi nakagugulat na mataas ang grado ng AFP dahil sila ang direktang nagsasagawa ng search and rescue operations tuwing may kalamidad.

“The AFP has the Army, Navy and Air Force at its disposal during times of calamities and disasters such as typhoon and earthquakes. Army soldiers are responsible for conducting rescue and relief missions in far-flung areas in the provinces. Navy personnel are engaged in seaborne search and rescue operations,” pahayag ni Garafil.

Kaya aniya nakakuha ng mataas na grado ang TESDA at DepEd dahil ipinapakita nito na pinahahalagahan ng taong bayan ang edukasyon

“The same goes with DSWD, CHED, DOST, DOH, DOT and DOLE whose services are directly felt by ordinary Filipinos who are constantly seeking help and assistance from the national government,” aniya.

Read more...