QC Jail Dormitory No. 1 sa Alternative Learning System

PDI PHOTO

Kinilala ng Quezon City Schools Division Office (QC SDO) ang Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) bilang Number 1 sa  Alternative Learning System (ALS).

Ito ay matapos makapagtala ang QCJMD na may pinakamataas ns bilang ng ALS passers.

Nakapagtala ang QCJMD ng registered 237 ALS passers na sinundan ng Quezon City Female Dorm (QCFed) na may 156 passers  at Krus Na Ligas High School na may 136 passers.

Kinilala rin ang QCJMD bilang 3rd Best ALS Learning Center sa Division Level kasunod sa Barangay Commonwealth (462 passers) at Ismael Mathay Sr., High School (243 passers).

Ibinigay ang parangal noong Setyembre 17 sa  “Alternative Learning System (ALS) Gawad Parangal 2022” sa  Benigno S. Aquino Elementary School.

“Binabati natin ang lahat ng nakapasang ALS students sa ikaapat na distrito ng ating lungsod, lalo na sa ating persons deprived of liberty (PDLs),” pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Read more...