Customs Bureau nagbukas ng sariling Firearms and Explosives Unit

Nagtatag ang Bureau of Customs (BOC) ng kanilang Firerams and Explosives Unit para sa pagbabantay sa importasyon at eksportasyon ng mga baril at bala.

Gayundin ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng mga bala, pampasabog at paputok.

Sakop din ng CFEU ang pagpapatupad ng mga polisiya at kalakaran kaugnay sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions.

Matitiyak din sa pamamagitan ng CFEU ang maayos na pakikipag-ugnayan ng kawanihan sa ibang kinauukulang ahensiya para sa epektiong firearms and explosives control.

Sinabi ni Comm. Yogi Ruiz ang pagbuo sa CFEU ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Marcos Jr., na mahinto ang pagpupuslit ng mga kontrabando sa bansa.

Ang CFEU ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng ESS – Enforcement Group ng BOC.

Read more...