Ang pahayag na ito ni Ejercito ay tugon sa naging babala ni Chinese Amb. Huang Xilian na maaring maisama sa kanilang ‘blacklist’ ang Pilipinas dahil sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
“Before threatening the Philippis with a ban on Chinese tourists. China should first respect our territorial integrity. Ibalik niyo muna ang West Philippine Sea,” diin ng senador.
Bago pa ito, nagpalabas ang Chinese Embassy ng pahayag na nagsabing ‘misinformation’ ang pagsisiwalat ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ‘blacklisted’ ang Pilipinas bilang ‘tourist destination’ ng Chinese nationals.
Pagdiiin naman ni Zubiri na ang salitang ‘blacklist’ ay galing mismo sa bibig ni Huang at nangyari ito sa pakikipagpulong niya sa diplomat kasama sina Sens. Sherwin Gatchalian at Robinhood Padilla.